ここから本文です

Buod

Kakarating lang sa Japan ng anim na dayuhang bata/estudyante. Pumasok sila sa elementary school/junior high school/senior high school at nagsimula ng kani-kanilang buhay sa eskuwela, ngunit madalas silang malito dahil sa mga pagkakaiba sa kultura at kaugalian. Sa harap nila, lumitaw ang isang robot! Maaasahan siya dahil nalalaman niya ang lahat ng bagay tungkol sa eskuwela sa Japan. Habang tumatanggap ng payo ng robot na nagpapamalas ng mahiwagang kapangyarihan - basta-bastang naglalabas ng gamit, lumilipad sa ibang space-time, natututo ang anim na bata tungkol sa mahahalagang bagay para sa kanilang buhay sa eskuwela sa Japan.

Mga tauhan

Parc

Robot

Super-robot na lumilitaw sa harap ng mga batang estudyanteng hindi pa gaanong nakakaintindi tungkol sa eskuwela sa Japan, at nagtuturo ng "mahahalagang bagay" sa kanila. Kaya niyang ihinto ang oras, at malayang magpabalik-balik sa space-time.

Ren

Ika-4 na baitang sa elementary school

Masiglang batang lalaking mahilig igalaw ang kanyang katawan. Inaabangan niya ang buhay sa eskuwela, at gusto niyang matutunan kaagad ang mga kaugalian at kultura ng Japan.

Mary

Ika-3 baitang sa elementary school

Mahiyaing batang babaeng nag-aatubiling magtaas ng kamay sa klase. Unti-unti siyang nasanay sa klase sa pamamagitan ng pagbibigay ng mungkahi para sa class monitor duties at iba pa.

Amy

2nd year sa junior high school

Babaeng estudyanteng tahimik pero may matatag na kalooban. Magiliw rin ang kanyang pagkatao, para magkaroon ng kaibigan sa unang araw ng pagpasok sa eskuwela.

Cal

2nd year sa junior high school

Lalaking estudyanteng mahilig sa Health at PE, pero medyo nahihirapan sa Matematika. Ngunit dahil sa kanyang likas na matiyagang pagkatao, nagsisikap siya kahit sa klaseng mahirap para sa kanya.

Pachara

1st year sa senior high school

Lalaking estudyanteng mabait at malumanay ang pagkatao. Siya ang tipong lubos na nawiwili sa gusto niyang bagay, at inaatupag niya rin ang club activities.

Alicia

1st year sa senior high school

Masipag na batang masigasig sa pag-aaral, at aktibo ring lumalahok sa mga aktibidad ng student council. Sa pakikipag-usap kay Parc, napapatibay ang larawan ng hinaharap sa kanyang isip.

Bumalik sa Home

PCサイト表示

表示を元に戻す

ページの終わりです
ページの先頭へ戻る


ページの
先頭へ