"Tokyo Metropolitan High School Foreign Student Application Pre-screening Notice for April 2025 Admission"
- 更新日
Sa petsa ng pagkumpirma ng kwalipikasyon ng mga nais kumuha ng pagsusulit para sa
“pagpili ng mga dayuhang estudyante na naninirahan sa Tokyo para sa pagpasok sa paaralan
sa Abril”, mayroong mga interpreter ng ibaʼt ibang wika na darating. Ang mga nais kumuha ng
pagsusulit para sa “pagpili ng mga dayuhang estudyante na naninirahan sa Tokyo para sa
pagpasok sa paaralan sa Abril” ay hinihikayat na sumali. Mangyaring magpareserba upang
maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.
1 Petsa, Oras, at Lugar
Petsa at oras:
Disyembre 1, 2024 (Linggo)
Disyembre 15 (Linggo)
Disyembre 21 (Sabado)
10:30 am hanggang 12:30 pm (tatanggap hanggang tanghali)
1:30 pm hanggang 5:00 pm (tatanggap hanggang 4:30 pm)
*Ang Disyembre 21 ay ang petsa para sa mga pumunta sa Disyembre 1 at 15 ngunit hindi nakumpirma ang kanilang kwalipikasyon.
Lugar: Tokyo Metropolitan Government Main Building No. 1 Main Conference Hall (5th Floor)
Address: 2-8-1 Nishi-Shinjuku, Shinjuku-ku, Tokyo
- Sa pagpasok sa venue, may staff na magbibigay ng entry pass (asul) sa harap ng north side elevator sa 1st floor ng Tokyo Metropolitan Government Main Building No 1.
- Para sa mga hindi makadalo sa alinmang mga araw, mangyaring tumawag sa numero sa ilalim ng
na nakasaad sa pinakababa ng anunsyong ito.
2 Petsa at Oras na Maaaring Magpareserba
10:30 am hanggang tanghali | 1:30 pm hanggang 4:30 pm | |
Disyembre 1 (Linggo) | (Ipapakita na “Maraming reserbasyon” kapag lumampas ng 100 reserbasyon) | (Ipapakita na “Maraming reserbasyon” kapag lumampas ng 150 reserbasyon) |
Disyembre 15 (Linggo) | (Ipapakita na “Maraming reserbasyon” kapag lumampas ng 100 reserbasyon) | (Ipapakita na “Maraming reserbasyon” kapag lumampas ng 150 reserbasyon) |
Nagsagawa kami ng sistema ng reserbasyon upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.
Ang Disyembre 21 ay ang petsa para sa mga pumunta sa Disyembre 1 at 15 ngunit hindi nakumpirma ang kanilang kwalipikasyon. Hindi kailangan ng reserbasyon.
*Kasalukuyan lang kaming tumatanggap ng mga reserbasyon para sa ika-15 ng Disyembre, dahil maraming mga aplikante para sa ika-1 ng Disyembre, at inaasahan namin na magiging mahirap na ma-accommodate ang mga ito sa loob ng panahong iyon.
3 Mga Maaaring Mag-apply para sa “Pagpili ng mga Dayuhang Estudyante na Naninirahan sa Tokyo para sa Pagpasok sa Paaralan sa Abril”
Mga aplikante na may address sa Tokyo kasama ang kanilang mga magulang o guardian. O kaya mga aplikante na may address sa Tokyo sa petsa ng pagpasok sa high school, at makakapag-commute sa paaralan mula sa bahay na nasa Tokyo pagkatapos ng pagpasok sa paaralan. Dagdag pa rito, ang mga aplikante na nangangailangan ng gabay sa wikang Japanese ay dapat nakakatugon sa alinman sa mga sumusunod na kondisyon (1) hanggang (4):
*Ang mga taong nag-aaplay sa Hitotsubashi High School, Asakusa High School, Ogikubo High School, o Sunagawa High School ay dapat manirahan o magtrabaho sa Tokyo. Hindi ito kailangang kapareho ng address ng magulang.
- Ang aplikante, anuman ang nasyonalidad, ay nakatakdang magtatapos sa junior high school nang Marso 31, 2025, at ang panahon ng pananatili nila sa Japan pagkapasok sa bansa ay nasa loob ng tatlong taon mula nang pagpasok sa paaralan.
- Ang aplikante, anuman ang nasyonalidad, ay nagtapos na sa junior high school, at ang panahon ng pananatili nila sa Japan pagkapasok sa bansa ay nasa loob ng tatlong taon mula ng pagpasok sa paaralan.
- Ang aplikante, anuman ang nasyonalidad, ay nakatakdang magtapos o nakapagtapos sa lokal na paaralan nang Marso 31, 2025.
- Ang aplikanteng may dayuhang nasyonalidad ay dapat nakatanggap ng edukasyon sa paaralan para sa mga dayuhan sa Japan at nakatakdang magtapos o nakapagtapos ng kurso na katumbas ng siyam na taon ng compulsory education sa Japan nang Marso 31, 2025.
* Ang mga aplikanteng pumasok sa Japan mula o pagkatapos ng Enero 1, 2022 ay ituturing bilang may panahon ng panantili sa Japan pagkapasok sa bansa ay nasa loob ng tatlong taon mula ng pagpasok sa paaralan.
4 Mga Wika at Oras na Magagamit ang Interpretation
May pitong wika sa kabuuan: English, Chinese, Korean, Tagalog, Nepalese, Spanish, at Thai.
Oras na magagamit ang interpretation:
Wika | Disyembre 1 (Linggo) | Disyembre 15 (Linggo) |
---|---|---|
English, Chinese, Tagalog, Nepalese | 10:30 am - 4:00 pm | 10:30 am – 4:30 pm |
Spanish, Thai, Korean | ― | 1:00 pm – 4:30 pm |
Maaaring available ang interpretation sa ibang wika. Mangyaring tumawag sa numero sa ilalim ng <Pakikipag-ugnayan> na nasa pinakababa bago mag Nobyembre 24.
5 Mga Bagay na Dadalhin
Mangyaring dalhin ang mga dokumentong may bilog (〇) sa talahanayan sa ibaba.
Paaralan | Mga maaaring mag-apply | Mga dokumento inisyu ng paaralan | Application form para sa paunang pagsusuri ng kwalipikasyon sa aplikasyon para sa pagpili ng mga dayuhang estudyante na naninirahan sa Tokyo | Passport o residence card | Certificate of Entries Recorded in the Resident Record | |
---|---|---|---|---|---|---|
Junior high school | Sa Tokyo | Inaasahang magtatapos | ・Student handbook o student ID (may kumpletong impormasyon tulad ng address, pangalan, at baitang) | 〇 | 〇 May impormasyon kung saan makikita ang petsa ng pagpasok sa Japan o petsa ng pahintulot ng pagpasok sa bansa |
Hindi kailangan |
Nagtapos | ・ Graduation certificate, atbp. (dokumento kung saan makikita ang petsa ng pagtatapos) | 〇 | 〇 May impormasyon kung saan makikita ang petsa ng pagpasok sa Japan o petsa ng pahintulot ng pagpasok sa bansa |
〇 | ||
Sa labas ng Tokyo | Inaasahang magtatapos | ・ Transcript of records, Certificate of Expected Graduation, atbp. (dokumento kung makikita ang petsa ng pagtatapos) | 〇 | 〇 May impormasyon kung saan makikita ang petsa ng pagpasok sa Japan o petsa ng pahintulot ng pagpasok sa bansa |
*1 | |
Nagtapos | ・ Graduation certificate, atbp. (dokumento kung saan makikita ang petsa ng pagtatapos) | 〇 | 〇 May impormasyon kung saan makikita ang petsa ng pagpasok sa Japan o petsa ng pahintulot ng pagpasok sa bansa |
*1 | ||
Paaralan para sa mga dayuhan sa Japan | Inaasahang magtatapos | ・ Transcript of records, Certificate of Expected Graduation, atbp. (dokumento kung saan makikita ang petsa ng pagtatapos) | 〇 | 〇 | *1 | |
Nagtapos | ・ Transcript of records sa pinakahuling taon sa paaralan, graduation certificate, completion certificate, atbp. (dokumento kung saan makikita na natapos ang siyam na taong kurso) | 〇 | 〇 | *1 | ||
Lokal na paaralan sa ibang bansa | Inaasahang magtatapos | ・ Transcript of records, Certificate of Expected Graduation, atbp. (dokumento kung saan makikita ang petsa ng pagtatapos) | 〇 | Hindi kailangan | *2 | |
Nagtapos | ・ Transcript of records sa pinakahuling taon sa paaralan, graduation certificate, completion certificate, atbp. (dokumento kung saan makikita na natapos ang siyam na taong kurso) | 〇 | Hindi kailangan | *1 |
*1 Kung ang aplikante ay naninirahan sa labas ng Tokyo at lilipat sa Tokyo bago ang petsa ng pagpasok sa high school, kailangan magsumite ng application form para sa pag-apruba ng aplikasyon (Form 1).
Bilang karagdagan, kung ikaw ay nag-aaplay sa Hitotsubashi High School, Asakusa High School, Ogikubo High School, o Sunagawa High School at kasalukuyang hindi nakatira sa Tokyo ngunit nagtatrabaho sa Tokyo, kakailanganin mong magsumite ng mga dokumentong nagpapatunay na ikaw ay nagtatrabaho.
*2 Kailangan ng sinulat na petisyon para sa pag-uwi sa bansa, atbp. (Form 5).
- Mangyaring i-download ang application form para sa paunang pagsusuri ng kwalipikasyon sa aplikasyon para sa pagpili ng mga dayuhang estudyante na naninirahan sa Tokyo mula sa link sa ibaba at punan ito sa wikang Japanese o English.
- Mangyaring tanggapin ang Certificate of Entries Recorded in the Resident Record (Form 3) mula o pagkatapos ng Nobyembre 20.
- Mangyaring siguraduhing dalhin ang inyong bago at lumang passport at residence card para makumpirma ang panahon ng pananatili sa Japan pagkapasok sa bansa.
- Kung ang iyong pasaporte ay walang selyo na nagsasaad ng petsa ng pagpasok, mangyaring magdala ng kopya ng iyong entry/exit (return) record na inisyu ng Immigration Services Agency.
- Ang residence card na may petsa ng pag-renew ay hindi maaaring gamitin para sa pagkumpirma ng panahon ng pananatili sa Japan.
<Sanggunian>
6 Reservation form
Please use the URL below to make a reservation. *Reservations can be made from October 20th
Address https://logoform.jp/form/tmgform/763319
2D code