1. 教育庁トップ
  2. 入学・転入学/授業料等
  3. 都立高等学校
  4. 外国人生徒等の都立高校受検
  5. Tokyo Metropolitan High School Foreign Student Application Pre-screening Notice for April 2026 Admission

Tokyo Metropolitan High School Foreign Student Application Pre-screening Notice for April 2026 Admission

更新日

Sa petsa ng pagkumpirma ng kwalipikasyon ng mga nais kumuha ng pagsusulit para sa “pagpili ng mga dayuhang estudyante na naninirahan sa Tokyo, atbp. para sa pagpasok sa paaralan sa Abril”, mayroong mga interpreter ng iba’t ibang wika na darating. Ang mga nais kumuha ng pagsusulit para sa “pagpili ng mga dayuhang estudyante na naninirahan sa Tokyo, atbp. para sa pagpasok sa paaralan sa Abril” ay hinihikayat na sumali. Mangyaring magpareserba upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

1 Petsa, Oras, at Lugar

Petsa at oras:
Nobyembre 30, 2025 (Linggo)
Disyembre 14 (Linggo) 
Disyembre 21 (Linggo)
10:30 am hanggang 12:30 pm (tatanggap hanggang tanghali)
1:30 pm hanggang 4:30 pm (tatanggap hanggang 4:00 pm)
*Ang Disyembre 21 ay ang petsa para sa mga pumunta sa Nobyembre 30 at Disyembre 14 ngunit hindi nakumpirma ang kanilang kwalipikasyon.

Lugar:Tokyo Metropolitan Government Main Building No. 1 Main Conference Hall (5th Floor)

Address: 2-8-1 Nishi-Shinjuku, Shinjuku-ku, Tokyo

  • Sa pagpasok sa venue, may staff na magbibigay ng entry pass (asul) sa harap ng north side elevator sa 1st floor ng Tokyo Metropolitan Government Main Building No 1.
  • Para sa mga hindi makadalo sa alinmang mga araw, mangyaring tumawag sa numero sa ilalim ng pakikipag-ugnayan 03-5320-6745 na nakasaad sa pinakababa ng anunsyong ito.

2 Petsa at Oras na Maaaring Magpareserba

  10:30 am hanggang 12:30 pm 1:30 pm hanggang 4:30 pm
Nobyembre 30(Linggo) (Ipapakita na “Maraming reserbasyon” kapag lumampas ng 100 reserbasyon) (Ipapakita na “Maraming reserbasyon” kapag lumampas ng 150 reserbasyon)
Disyembre 14 (Linggo) (Ipapakita na “Maraming reserbasyon” kapag lumampas ng 100 reserbasyon) (Ipapakita na “Maraming reserbasyon” kapag lumampas ng 150 reserbasyon)

Nagsagawa kami ng sistema ng reserbasyon upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Ang Disyembre 21 ay ang petsa para sa mga pumunta sa Nobyembre 30 at Disyembre 14 ngunit hindi nakumpirma ang kanilang kwalipikasyon. Hindi kailangan ng reserbasyon.

3 Mga Maaaring Mag-apply para sa “Pagpili ng mga Dayuhang Estudyante na Naninirahan sa Tokyo, atbp. para sa Pagpasok sa Paaralan sa Abril”

Mga aplikante na may address sa Tokyo kasama ang kanilang mga magulang o guardian. O kaya mga aplikante na may address sa Tokyo sa petsa ng pagpasok sa high school, at makakapag-commute sa paaralan mula sa bahay na nasa Tokyo pagkatapos ng pagpasok sa paaralan. Dagdag pa rito, ang mga aplikante na nangangailangan ng gabay sa wikang Japanese ay dapat nakakatugon sa alinman sa mga sumusunod na kondisyon (1) hanggang (4):

*Ang mga taong nag-aaplay sa Hitotsubashi High School, Asakusa High School, Ogikubo High School, o Sunagawa High School ay dapat manirahan o magtrabaho sa Tokyo. Hindi ito kailangang kapareho ng address ng magulang.

  1. Ang aplikante, anuman ang nasyonalidad, na nakatakdang magtapos sa junior high school nang Marso 31, 2026, at ang panahon ng pananatili nila sa Japan pagkapasok sa bansa ay nasa loob ng tatlong taon sa araw ng kanilang pagpasok sa paaralan.
  2. Ang aplikante, anuman ang nasyonalidad, na nagtapos na sa junior high school, at ang panahon ng pananatili nila sa Japan pagkapasok sa bansa ay nasa loob ng tatlong taon sa araw ng kanilang pagpasok sa paaralan.
  3. Ang aplikante, anuman ang nasyonalidad, na nakatakdang magtapos o nakapagtapos sa lokal na paaralan nang Marso 31, 2026.
  4. Ang aplikanteng may dayuhang nasyonalidad na nakatanggap ng edukasyon sa paaralan para sa mga dayuhan sa Japan at nakatakdang magtapos o nakapagtapos ng kurso na katumbas ng siyam na taon ng compulsory education sa Japan nang Marso 31, 2026.
    * Ang mga aplikanteng pumasok sa Japan mula o pagkatapos ng Enero 1, 2023 ay ituturing bilang may panahon ng pananatili sa Japan pagkapasok sa bansa na nasa loob ng tatlong taon sa araw ng kanilang pagpasok sa paaralan.

4 Mga Wika at Oras na Magagamit ang Interpretation

May pitong wika sa kabuuan: English, Chinese, Korean, Tagalog, Nepalese, Spanish, at Thai.

Oras na magagamit ang interpretation:

Wika Nobyembre 30 (Linggo) Disyembre 14 (Linggo)
English, Chinese, Tagalog, Nepalese 10:30 am - 4:30 pm 10:30 am – 4:30 pm
Spanish, Thai, Korean 1:00 pm – 4:30 pm

Maaaring available ang interpretation sa ibang wika.Mangyaring tumawag sa numero sa ilalim ng <Pakikipag-ugnayan 03-5320-6745> na nasa pinakababa bago mag Nobyembre 21.

5 Mga Bagay na Dadalhin

Mangyaring dalhin ang mga dokumentong may bilog (〇) sa talahanayan sa ibaba.

Paaralan Mga maaaring mag-apply Mga dokumentong inisyu ng paaralan Application form para sa paunang pagsusuri ng kwalipikasyon sa aplikasyon para sa pagpili ng mga dayuhang estudyante na naninirahan sa Tokyo Passport o residence card Certificate of Entries Recorded in the Resident Record
Junior high school Sa Tokyo Inaasahang magtatapos ・Student handbook o student ID (may kumpletong impormasyon tulad ng address, pangalan, at baitang)
May impormasyon kung saan makikita ang petsa ng pagpasok sa Japan o petsa ng pahintulot ng pagpasok sa bansa
Hindi kailangan
Nagtapos ・ Graduation certificate, atbp. (dokumento kung saan makikita ang petsa ng pagtatapos)
May impormasyon kung saan makikita ang petsa ng pagpasok sa Japan o petsa ng pahintulot ng pagpasok sa bansa
Sa labas ng Tokyo  Inaasahang magtatapos ・ Transcript of records, Certificate of Expected Graduation, atbp. (dokumento kung saan makikita ang petsa ng pagtatapos)
May impormasyon kung saan makikita ang petsa ng pagpasok sa Japan o petsa ng pahintulot ng pagpasok sa bansa
*1
Nagtapos ・ Graduation certificate, atbp. (dokumento kung saan makikita ang petsa ng pagtatapos)
May impormasyon kung saan makikita ang petsa ng pagpasok sa Japan o petsa ng pahintulot ng pagpasok sa bansa
*1
Paaralan para sa mga dayuhan sa Japan     Inaasahang matatapos ・ Transcript of records, Certificate of Expected Graduation, atbp. (dokumento kung saan makikita ang petsa kung kailan natapos) *1
Nagtapos ・ Transcript of records sa pinakahuling taon sa paaralan, graduation certificate, completion certificate, atbp. (dokumento kung saan makikita na natapos ang siyam na taong kurso) *1
Lokal na paaralan sa ibang bansa Inaasahang magtatapos ・ Transcript of records, Certificate of Expected Graduation, atbp. (dokumento kung saan makikita ang petsa kung kailan natapos) Hindi kailangan *2
Natapos ・ Transcript of records sa pinakahuling taon sa paaralan, graduation certificate, completion certificate, atbp. (dokumento kung saan makikita na natapos ang siyam na taong kurso) Hindi kailangan *1

*1 Kung ang aplikante ay naninirahan sa labas ng Tokyo at lilipat sa Tokyo bago ang petsa ng pagpasok sa high school, kailangan magsumite ng application form para sa pag-apruba ng aplikasyon (Form 1).
Bilang karagdagan, kung ikaw ay nag-aaplay sa Hitotsubashi High School, Asakusa High School, Ogikubo High School, o Sunagawa High School at kasalukuyang hindi nakatira sa Tokyo ngunit nagtatrabaho sa Tokyo, kakailanganin mong magsumite ng mga dokumentong nagpapatunay na ikaw ay nagtatrabaho.
*2 Kailangan ng sinulat na petisyon para sa pag-uwi sa bansa, atbp. (Form 5).

  • Mangyaring i-download ang application form para sa paunang pagsusuri ng kwalipikasyon sa aplikasyon para sa pagpili ng mga dayuhang estudyante na naninirahan sa Tokyo mula sa link sa ibaba at punan ito sa wikang Japanese o English.
  • Mangyaring kumuha ang Certificate of Entries Recorded in the Resident Record (Form 3) mula o pagkatapos ng Nobyembre 20.
  • Mangyaring siguraduhing dalhin ang inyong bago at lumang passport at residence card para makumpirma ang panahon ng pananatili sa Japan pagkapasok sa bansa.
  • Ang residence card na may petsa ng pag-renew ay hindi maaaring gamitin para sa pagkumpirma ng panahon ng pananatili sa Japan.
  • Siguraduhing gumawa ng kopya ng mga dokumento ng pagpapatunay.

<Sanggunian>

6 Reservation form

Mangyaring magpareserba mula sa URL sa ibaba.
*Ang mga reserbasyon ay maaaring gawin mula Oktubre 20.

Address https://logoform.jp/form/tmgform/1249672

2D code 

記事ID:031-001-20250930-014734